Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

GENESIS 14

14
Si Lot ay dinalang bihag.
1At nangyari sa mga kaarawan ni Amraphel, hari sa #Gen. 10:10; 11:2.Sinar, ni Ariok hari sa Elasar, ni Chedorlaomer #Gen. 10:22.hari sa Elam, at ni Tidal na hari ng mga Goiim,
2Na ang mga ito ay nakipagbaka laban kay Bera hari sa Sodoma, at laban kay Birsha hari sa Gomorra, kay Shinab hari sa #Deut. 29:23.Adma, at kay Shemeber, hari sa Zeboim, at sa hari sa Bela (na si Zoar).
3Lahat ng ito'y nagkatipon sa libis ng Siddim (#Blg. 34:12; Deut. 3:17; Jos. 3:16.na siyang Dagat na Alat).
4Labingdalawang taong nagsipaglingkod kay Chedorlaomer, at sa ikalabingtatlong taon ay nagsipaghimagsik.
5At sa ikalabingapat na taon ay dumating si Chedorlaomer at ang mga haring kasama niya, at sinaktan ang #Gen. 15:20.mga Refaim sa #Jos. 12:4.Ashteroth-Carnaim, at ang mga #Deut. 2:20.Zuzita sa Ham, at ang #Deut. 2:10, 11.mga Emita sa Shave-ciriataim.
6At ang mga Horeo sa kanilang kabundukan ng Seir, hanggang #Gen. 21:21; Blg. 13:1, 4.Elparan na nasa tabi ng ilang.
7At sila'y nangagbalik at nagsiparoon sa Enmispat (na siyang Cades), at kanilang sinaktan ang buong lupain ng mga Amalecita at pati ng mga Amorrheo na nagsisitahan sa #2 Cron. 20:2.Hazezon-tamar.
8At nagsilabas ang hari sa Sodoma, at ang hari sa Gomorra, at ang hari sa Adma, at ang hari sa Zeboim, at ang hari sa Bela (na dili iba't si Zoar); at sila'y humanay ng pakikipagbaka laban sa kanila sa libis ng Siddim;
9Laban kay Chedorlaomer, hari sa Elam, at kay Tidal na hari ng mga Goiim at kay Amraphel, hari sa Shinar, at kay Arioch, hari sa Elasar; apat na hari laban sa lima.
10At ang libis ng Siddim ay puno ng hukay ng #Gen. 11:3.betun; at nagsitakas ang mga hari sa Sodoma at sa Gomorra, at nangahulog doon, at ang natira ay nagsitakas sa #Gen. 19:17, 30.kabundukan.
11At kanilang sinamsam ang lahat ng #tal. 16, 21.pagaari ng Sodoma at Gomorra, at ang lahat nilang pagkain, at nagsiyaon.
12At dinala nila si Lot, na #Gen. 12:5.anak ng kapatid ni Abram, na nananahan sa Sodoma at ang kaniyang mga pagaari at #Gen. 13:12.sila'y nagsiyaon.
Si Lot ay iniligtas ni Abram.
13At dumating ang isang nakatanan, at ibinalita kay Abram na Hebreo; #Gen. 13:18.na tumatahan nga sa mga puno ng encina ni Mamre na Amorrheo, kapatid ni Eschol, at kapatid ni Aner; at ang mga #tal. 24.ito ay kakampi ni Abram.
14At pagkarinig ni Abram, na nabihag ang kaniyang #Gen. 13:8.kapatid ay ipinagsama ang kaniyang mga subok na lalake, na mga ipinanganak sa kaniyang bahay, na tatlong daan at labing walo, at kanilang hinabol sila hanggang sa #Huk. 18:29.Dan.
15At sila'y nangagpangkatpangkat sa kinagabihan, laban sa kaaway, siya at ang kaniyang mga alipin, at kanilang sinaktan sila, at hinabol nila sila hanggang sa Hobah, na nasa kaliwa ng Damasco.
16At iniuwi niya ang lahat ng pagaari; at iniuwi rin niya si Lot na kaniyang kapatid, at ang kaniyang mga pagaari, at gayon din ang mga babae at ang bayan.
17At nilabas na sinalubong siya ng hari sa Sodoma pagkatapos na siya'y magbalik na mula sa pagpatay kay Chedorlaomer, at sa mga haring kasama niya sa libis ng Shave (#2 Sam. 18:18.na siyang libis ng hari).
Pinagpala ni Melquisedec si Abram.
18At si #Heb. 7:1.Melquisedec, na hari sa Salem, ay naglabas ng tinapay at alak; at siya'y #Awit 110:4; Heb. 5:6.saserdote ng Kataastaasang #Gawa 16:17.Dios.
19At binasbasan niya siya na sinabi, Pagpalain si Abram ng Kataastaasang Dios, na #tal. 22; Mat. 11:25.may-ari ng langit at ng lupa:
20At purihin ang Kataastaasang Dios, na nagbigay ng iyong mga kaaway sa iyong kamay. #Heb. 7:4.At binigyan siya ni Abram ng ikasangpung bahagi ng buong samsam.
21At sinabi ng hari sa Sodoma kay Abram, Ibigay mo sa akin ang mga tao at kunin mo sa ganang iyo ang mga pagaari.
22At sinabi ni Abram sa hari sa Sodoma, #Dan. 12:7; Apoc. 10:5.Itinaas ko ang aking kamay sa Panginoong Dios na Kataastaasan, na may ari ng langit at ng lupa.
23 Isinumpa kong hindi ako kukuha maging isang sinulid, o maging isang panali ng pangyapak, o ng anomang nauukol sa iyo, baka iyong sabihin, Pinayaman ko si Abram:
24Liban na lamang ang kinain ng mga binata at ang bahagi ng mga lalaking kinasama ko; si #tal. 13.Aner, si Eschol, at si Mamre, ay pakunin mo ng kanilang bahagi.

Kasalukuyang Napili:

GENESIS 14: ABTAG

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in