Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

ECLESIASTES 3:9-13

ECLESIASTES 3:9-13 ABTAG

Anong pakinabang ang tinatamo niya, na gumagawa sa kaniyang pinagpapagalan? Aking nakita ang sakit na ibinigay ng Dios sa mga anak ng mga tao upang pagsanayan. Ginawa niya ang bawa't bagay na maganda sa kapanahunan niyaon: inilagay rin niya ang sanglibutan sa kanilang puso, na anopa't hindi matalos ng tao ang gawa na ginawa ng Dios mula sa pasimula hanggang sa wakas. Nalalaman ko, na walang maigi sa kanila, kay sa magalak, at gumawa ng mabuti habang sila'y nabubuhay. At ang bawa't tao rin naman ay marapat kumain at uminom, at magalak sa kabutihan sa lahat niyang gawa, siyang kaloob ng Dios.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa ECLESIASTES 3:9-13