Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

I MGA TAGA CORINTO 11:1-4

I MGA TAGA CORINTO 11:1-4 ABTAG

Maging taga tulad kayo sa akin, na gaya ko naman kay Cristo. Kayo'y aking pinupuri nga, na sa lahat ng mga bagay ay naaalaala ninyo ako, at iniingatan ninyong matibay ang mga turo, na gaya ng ibinigay ko sa inyo. Datapuwa't ibig ko na inyong maalaman, na ang pangulo ng bawa't lalake ay si Cristo, at ang pangulo ng babae ay ang lalake, at ang pangulo ni Cristo ay ang Dios. Ang bawa't lalaking nanalangin, o nanghuhula na may takip ang ulo, ay niwawalan ng puri ang kaniyang ulo.