ZACARIAS 13
13
1“Sa araw na iyon ay mabubuksan ang isang bukal para sa sambahayan ni David at sa mga naninirahan sa Jerusalem para sa kasalanan at karumihan.
2“Sa araw na iyon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, aking aalisin sa lupain ang mga pangalan ng mga diyus-diyosan, kaya't sila'y hindi na maaalala pa. Aking palalayasin sa lupain ang mga propeta at ang karumaldumal na espiritu sa lupain.
3Kapag ang sinuman ay muling magpropesiya, sasabihin sa kanya ng kanyang ama at ina na nagsilang sa kanya, ‘Ikaw ay hindi mabubuhay sapagkat ikaw ay nagsasalita ng kasinungalingan sa pangalan ng Panginoon;’ at uulusin siya ng kanyang ama at ng kanyang ina na nagsilang sa kanya kapag siya'y nagsalita ng propesiya.
4At mangyayari, sa araw na iyon, ikahihiya ng bawat propeta ang kanyang pangitain kapag siya'y nagsalita ng propesiya. Hindi sila magsusuot ng kasuotang balahibo, upang mandaya,
5kundi kanyang sasabihin, ‘Ako'y hindi propeta, ako'y magbubungkal ng lupa; sapagkat ang lupain ay aking pag-aari mula sa aking kabataan.’
6At sasabihin ng isa sa kanya, ‘Ano itong mga sugat sa pagitan ng iyong mga bisig?’ kung magkagayon siya'y sasagot, ‘Ang mga ito'y sugat na tinanggap ko sa bahay ng aking mga kaibigan.’
Ang Utos na Patayin ang Pastol ng Diyos
7“Gumising#Mt. 26:31; Mc. 14:27 ka, O tabak, laban sa pastol ko,
at laban sa lalaking kasama ko,” sabi ng Panginoon ng mga hukbo.
“Saktan mo ang pastol upang ang mga tupa ay mangalat;
at aking ipipihit ang aking kamay laban sa maliliit.
8At mangyayari, sa buong lupain, sabi ng Panginoon,
dalawang-ikatlong bahagi ay aalisin at mamamatay;
ngunit ang ikatlo ay maiiwan.
9At aking dadalhin ang ikatlong bahagi sa apoy,
at sila'y dadalisayin ko na gaya ng pagdalisay sa pilak,
at sila'y susubukin ko na gaya ng pagsubok sa ginto.
Sila'y tatawag sa aking pangalan,
at akin silang diringgin.
Aking sasabihin, ‘Sila'y bayan ko;’
at kanilang sasabihin, ‘Ang Panginoon ay aking Diyos.’”
Kasalukuyang Napili:
ZACARIAS 13: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001