Napakaganda ng iyong mga paa sa mga sandalyas O mala-reynang babae! Ang mga bilugan mong hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng bihasang kamay. Ang iyong pusod ay gaya ng bilog na mangkok, na hindi nawawalan ng alak na may halo. Ang iyong tiyan ay bunton ng trigo, na napapaligiran ng mga liryo. Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa, na mga kambal ng inahing usa. Ang iyong leeg ay gaya ng toreng garing. Ang iyong mga mata ay gaya ng mga tipunan ng tubig sa Hesbon, sa tabi ng pintuang-bayan ng Batrabbim. Ang iyong ilong ay gaya ng tore ng Lebanon na nakatanaw sa Damasco.
Basahin ANG AWIT NG MGA AWIT 7
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: ANG AWIT NG MGA AWIT 7:1-4
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas