Ang Awit ni Solomon 7:1-4
Ang Awit ni Solomon 7:1-4 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Ang paa mong makikinis, O babaing tila reyna, ang hugis ng iyong hita, isang obra maestra. Ang pusod mo'y anong rikit, mabilog na tila kopa, laging puno niyong alak na matamis ang lasa. Balakang mo'y mapang-akit, bigkis-trigo ang kapara, ang paligid ay tulad ng mga liryong kay gaganda. Ang iyong dibdib, O giliw, parang kambal na usa, punung-puno pa ng buhay, malulusog, masisigla. Ang leeg mo ay katulad ng toreng gawa sa marmol, mga mata'y nagniningning, parang bukal sa may Hesbon. Ilong mo ay ubod ganda, parang tore ng Lebanon, mataas na nakabantay sa may Lunsod ng Damasco.
Ang Awit ni Solomon 7:1-4 Ang Salita ng Dios (ASND)
O maharlikang babae, napakaganda ng mga paa mong may sandalyas. Hugis ng iyong mga hitaʼy parang mga alahas na gawa ng bihasa. Ang pusod moʼy kasimbilog ng tasang laging puno ng masarap na alak. Ang baywang moʼy parang ibinigkis na trigong napapaligiran ng mga liryo. Ang dibdib moʼy tila kambal na batang usa. Ang leeg moʼy parang toreng gawa sa pangil ng elepante. Ang mga mata moʼy kasinglinaw ng batis sa Heshbon, malapit sa pintuang bayan ng Bet Rabim. Ang ilong moʼy kasingganda ng tore ng Lebanon na nakaharap sa Damasco.
Ang Awit ni Solomon 7:1-4 Ang Biblia (TLAB)
Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa. Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo na nalalagay sa palibot ng mga lila. Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa na mga kambal na usa. Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano na nakaharap sa Damasco.
Ang Awit ni Solomon 7:1-4 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Ang paa mong makikinis, O babaing tila reyna, ang hugis ng iyong hita, isang obra maestra. Ang pusod mo'y anong rikit, mabilog na tila kopa, laging puno niyong alak na matamis ang lasa. Balakang mo'y mapang-akit, bigkis-trigo ang kapara, ang paligid ay tulad ng mga liryong kay gaganda. Ang iyong dibdib, O giliw, parang kambal na usa, punung-puno pa ng buhay, malulusog, masisigla. Ang leeg mo ay katulad ng toreng gawa sa marmol, mga mata'y nagniningning, parang bukal sa may Hesbon. Ilong mo ay ubod ganda, parang tore ng Lebanon, mataas na nakabantay sa may Lunsod ng Damasco.
Ang Awit ni Solomon 7:1-4 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Pagkaganda ng iyong mga paa sa mga panyapak, Oh anak na babae ng pangulo! Ang mga pagkakaugpong ng iyong mga hita ay gaya ng mga hiyas, Na gawa ng mga kamay ng bihasang manggagawa. Ang iyong katawan ay gaya ng mabilog na tasa, Na hindi pinagkukulangan ng alak na may halo: Ang iyong tiyan ay gaya ng bunton ng trigo Na nalalagay sa palibot ng mga lila. Ang iyong dalawang suso ay gaya ng dalawang batang usa Na mga kambal na usa. Ang iyong leeg ay gaya ng moog na garing; Ang iyong mga mata ay gaya ng mga lawa sa Hesbon Sa siping ng pintuang-bayan ng Batrabbim; Ang iyong ilong ay gaya ng moog ng Libano Na nakaharap sa Damasco.