ANG AWIT NG MGA AWIT 2
2
1Ako'y rosas#2:1 Sa Hebreo ay crocus. ng Sharon,
isang liryo ng mga libis.
Lalaki
2Kung ano ang liryo sa gitna ng mga tinikan,
gayon ang aking pag-ibig sa gitna ng mga kadalagahan.
Babae
3Kung ano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan,
gayon ang aking sinta sa gitna ng mga kabinataan.
Ako'y naupo sa ilalim ng kanyang anino na may malaking pagsasaya,
at ang kanyang bunga ay matamis sa aking panlasa.
4Dinala niya ako sa bahay na may handaan,
at ang watawat niya sa akin ay pagmamahal.
5Bigyan ninyo ako ng mga pasas,
aliwin ninyo ako ng mga mansanas;
sapagkat ako'y may sakit na pagsinta.
6Ang kanyang kaliwang kamay sana ay nasa ilalim ng aking ulo,
at ang kanyang kanang kamay ay niyayakap ako!
7O mga anak na babae ng Jerusalem, kayo'y aking pinagbibilinan,
alang-alang sa mga usang lalaki at babae sa kaparangan,
na huwag ninyong pukawin, o gisingin man ang pagmamahal,
hanggang sa kanyang maibigan.
Babae
8Ang tinig ng aking giliw!
Narito, siya'y dumarating,
palukso-lukso sa mga bundok,
palundag-lundag sa mga burol.
9Ang aking sinta ay gaya ng usa
o ng batang usa.
Tingnan mo, siya'y nakatayo
sa likod ng aming bakod,
sa mga bintana'y sumisilip,
sa mga durungawa'y nagmamasid.
10Ang aking sinta ay nagsalita, at nagsabi sa akin,
“Bumangon ka, maganda kong sinta,
at tayo'y umalis;
11Sapagkat, ang taglamig ay lumipas na;
ang ulan ay tapos na at wala na.
12Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa;
ang panahon ng pag-aawitan ay dumating,
at ang tinig ng batu-bato
ay naririnig sa ating lupain.
13Lumalabas na ang mga bunga ng puno ng igos,
at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak,
ang kanilang bango'y humahalimuyak.
Bumangon ka, maganda kong sinta,
at tayo'y umalis.
14O kalapati ko, na nasa mga bitak ng bato,
sa puwang ng bangin,
ipakita mo sa akin ang iyong mukha,
iparinig mo sa akin ang iyong tinig;
sapagkat matamis ang iyong tinig,
at ang iyong mukha ay kaibig-ibig.
15Ihuli ninyo kami ng mga asong-gubat,
ng mga munting asong-gubat,
na sumisira ng mga ubasan,
sapagkat ang aming mga ubasan ay namumulaklak na.”
Babae
16Ang sinta ko ay akin, at kanya ako;
ipinapastol niya ang kanyang kawan sa gitna ng mga liryo.
17Hanggang sa ang araw ay huminga,
at ang mga anino'y tumakas,
pumihit ka, sinta ko, at ikaw ay maging gaya ng usa
o ng batang usa sa mga bundok ng Bether.
Kasalukuyang Napili:
ANG AWIT NG MGA AWIT 2: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001