Ang mga bulaklak ay namumukadkad sa lupa; ang panahon ng pag-aawitan ay dumating, at ang tinig ng batu-bato ay naririnig sa ating lupain. Lumalabas na ang mga bunga ng puno ng igos, at ang mga puno ng ubas ay namumulaklak, ang kanilang bango'y humahalimuyak. Bumangon ka, maganda kong sinta, at tayo'y umalis. O kalapati ko, na nasa mga bitak ng bato, sa puwang ng bangin, ipakita mo sa akin ang iyong mukha, iparinig mo sa akin ang iyong tinig; sapagkat matamis ang iyong tinig, at ang iyong mukha ay kaibig-ibig. Ihuli ninyo kami ng mga asong-gubat, ng mga munting asong-gubat, na sumisira ng mga ubasan, sapagkat ang aming mga ubasan ay namumulaklak na.”
Basahin ANG AWIT NG MGA AWIT 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: ANG AWIT NG MGA AWIT 2:12-15
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas