Ako'y rosas ng Sharon, isang liryo ng mga libis. Kung ano ang liryo sa gitna ng mga tinikan, gayon ang aking pag-ibig sa gitna ng mga kadalagahan. Kung ano ang puno ng mansanas sa gitna ng mga punungkahoy sa kagubatan, gayon ang aking sinta sa gitna ng mga kabinataan. Ako'y naupo sa ilalim ng kanyang anino na may malaking pagsasaya, at ang kanyang bunga ay matamis sa aking panlasa. Dinala niya ako sa bahay na may handaan, at ang watawat niya sa akin ay pagmamahal. Bigyan ninyo ako ng mga pasas, aliwin ninyo ako ng mga mansanas; sapagkat ako'y may sakit na pagsinta. Ang kanyang kaliwang kamay sana ay nasa ilalim ng aking ulo, at ang kanyang kanang kamay ay niyayakap ako!
Basahin ANG AWIT NG MGA AWIT 2
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: ANG AWIT NG MGA AWIT 2:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas