Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

RUTH 1:16-19

RUTH 1:16-19 ABTAG01

Ngunit sinabi ni Ruth, “Huwag mo akong pakiusapan na kita'y iwan, o talikuran ko na ang pagsunod sa iyo! Kung saan ka pupunta ay doon ako pupunta; kung saan ka nakatira ay doon ako maninirahan; ang iyong bayan ay magiging aking bayan, at ang iyong Diyos ay aking Diyos. Kung saan ka mamatay ay doon ako mamamatay, at doon ako ililibing. Gayon nawa ang gawin ng PANGINOON sa akin at higit pa, kahit na ihiwalay ako ng kamatayan sa iyo.” Nang makita ni Naomi na nakapagpasiya na siyang sumama sa kanya, wala na siyang sinabi. Sa gayo'y nagpatuloy silang dalawa hanggang sa sila'y makarating sa Bethlehem. Nang sila'y makarating sa Bethlehem, ang buong bayan ay nagkagulo dahil sa kanila; at sinabi ng mga babae, “Ito ba si Naomi?”