gaya ng nasusulat, “Walang matuwid, wala, wala kahit isa; wala ni isang nakakaunawa, wala ni isang humahanap sa Diyos. Lahat ay lumihis, sama-sama silang nawalan ng kabuluhan; walang gumagawa ng mabuti, wala, wala kahit isa.” “Ang kanilang lalamunan ay isang libingang bukas; sa pamamagitan ng kanilang mga dila ay gumagawa sila ng pandaraya.” “Ang kamandag ng mga ulupong ay nasa ilalim ng kanilang mga labi.” “Ang kanilang bibig ay punô ng panunumpa at kapaitan.” “Ang kanilang mga paa ay matutulin sa pagpapadanak ng dugo; pagkawasak at kalungkutan ang nasa kanilang mga landas, at ang daan ng kapayapaan ay hindi nila nakilala.” “Walang takot sa Diyos sa kanilang mga mata.” Ngayon ay nalalaman natin na anumang sinasabi ng kautusan, iyon ay sinasabi sa mga nasa ilalim ng kautusan; upang matahimik ang bawat bibig, at ang buong sanlibutan ay mapasailalim ng hatol ng Diyos. Sapagkat sa pamamagitan ng mga gawa ng kautusan ay “walang tao na ituturing na ganap sa paningin niya,” sapagkat sa pamamagitan ng kautusan ay ang pagkakilala ng kasalanan. Subalit ngayon ay ipinahahayag ang pagiging matuwid ng Diyos na hiwalay sa kautusan at pinatotohanan ng kautusan at ng mga propeta; ang pagiging matuwid ng Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesu-Cristo sa lahat ng mga sumasampalataya. Sapagkat walang pagkakaiba, yamang ang lahat ay nagkasala, at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos; sila ngayon ay itinuturing na ganap ng kanyang biyaya bilang kaloob sa pamamagitan ng pagtubos na na kay Cristo Jesus; na siyang inialay ng Diyos bilang handog na pantubos sa pamamagitan ng kanyang dugo na mabisa sa pamamagitan ng pananampalataya. Ito ay kanyang ginawa upang maipakita ang pagiging matuwid ng Diyos, sapagkat sa kanyang banal na pagtitiis ay kanyang pinalampas ang mga kasalanang nagawa sa nakaraan; upang mapatunayan sa panahong kasalukuyan na siya'y matuwid at upang siya'y maging ganap at taga-aring-ganap sa taong mayroong pananampalataya kay Jesus.
Basahin MGA TAGA ROMA 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA TAGA ROMA 3:10-26
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas