Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 15:8-13

MGA TAGA ROMA 15:8-13 ABTAG01

Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay naging lingkod sa pagtutuli upang ipakita ang katotohanan ng Diyos, upang kanyang mapagtibay ang mga pangako sa mga ninuno, at upang ang mga Hentil ay lumuwalhati sa Diyos dahil sa kanyang kahabagan, gaya ng nasusulat, “Kaya't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Hentil, at aawit ako ng papuri sa iyong pangalan.” At muling sinasabi niya, “Magalak kayo, kayong mga Hentil, kasama ng kanyang bayan.” At muli, “Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Hentil; at purihin siya ng lahat ng mga bayan.” At muli, sinasabi ni Isaias, “Darating ang ugat ni Jesse, siya ang babangon upang maghari sa mga Hentil; sa kanya aasa ang mga Hentil.” Puspusin nawa kayo ng Diyos ng pag-asa, ng buong kagalakan at kapayapaan sa pananampalataya, upang kayo'y sumagana sa pag-asa sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo.