Sapagkat sinasabi ko na si Cristo ay naging lingkod sa pagtutuli upang ipakita ang katotohanan ng Diyos, upang kanyang mapagtibay ang mga pangako sa mga ninuno, at upang ang mga Hentil ay lumuwalhati sa Diyos dahil sa kanyang kahabagan, gaya ng nasusulat, “Kaya't ikaw ay aking pupurihin sa gitna ng mga Hentil, at aawit ako ng papuri sa iyong pangalan.” At muling sinasabi niya, “Magalak kayo, kayong mga Hentil, kasama ng kanyang bayan.” At muli, “Purihin ninyo ang Panginoon, kayong lahat ng mga Hentil; at purihin siya ng lahat ng mga bayan.” At muli, sinasabi ni Isaias, “Darating ang ugat ni Jesse, siya ang babangon upang maghari sa mga Hentil; sa kanya aasa ang mga Hentil.”
Basahin MGA TAGA ROMA 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA TAGA ROMA 15:8-12
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas