Upang kayo'y huwag magmarunong sa inyong sarili, mga kapatid, nais kong malaman ninyo ang hiwagang ito, na ang pagmamatigas ay nangyari sa isang bahagi ng Israel hanggang makapasok ang buong bilang ng mga Hentil. Sa ganoon ang buong Israel ay maliligtas; gaya ng nasusulat, “Lalabas mula sa Zion ang Tagapagligtas; ihihiwalay niya ang kasamaan mula sa Jacob.” “At ito ang aking tipan sa kanila, kapag inalis ko ang kanilang mga kasalanan.” Tungkol sa ebanghelyo, sila'y mga kaaway alang-alang sa inyo; subalit tungkol sa paghirang, sila'y mga minamahal alang-alang sa mga ninuno. Sapagkat ang mga kaloob at ang pagtawag ng Diyos ay hindi mababago. Kung paanong kayo nang dati ay mga masuwayin sa Diyos, subalit ngayon kayo'y tumanggap ng habag sa pamamagitan ng kanilang pagsuway, gayundin naman ang mga ito na ngayon ay naging mga masuwayin upang sa pamamagitan ng habag na ipinakita sa inyo, sila rin ay tumanggap ngayon ng habag. Sapagkat kinulong ng Diyos ang lahat sa pagsuway upang siya'y mahabag sa lahat. O ang kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Diyos! Hindi masuri ang mga hatol niya, at hindi masiyasat ang kanyang mga daan! “Sapagkat sino ang nakakaalam ng pag-iisip ng Panginoon? O sino ang kanyang naging tagapayo?” “O sino ang nakapagbigay na sa kanya, at siya'y mababayaran?” Sapagkat mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen.
Basahin MGA TAGA ROMA 11
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA TAGA ROMA 11:25-36
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas