Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA TAGA ROMA 10:17-21

MGA TAGA ROMA 10:17-21 ABTAG01

Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo. Ngunit sinasabi ko, hindi ba nila narinig? Talagang narinig nila, sapagkat “Ang tinig nila ay kumalat sa buong lupa, at ang kanilang mga salita, hanggang sa mga dulo ng daigdig.” Ngunit sinasabi ko, hindi ba naunawaan ng Israel? Una ay sinasabi ni Moises, “Papanibughuin ko kayo doon sa mga hindi isang bansa, sa pamamagitan ng isang bansang hangal ay gagalitin ko kayo.” At si Isaias ay buong tapang na nagsasabi, “Ako'y natagpuan nila na mga hindi humahanap sa akin; ako'y nahayag sa kanila na hindi nagtatanong tungkol sa akin.” Subalit tungkol sa Israel ay sinasabi niya, “Sa buong araw ay iniunat ko ang aking mga kamay sa isang suwail at mapagsalungat na bayan.”