Kaya't alalahanin mo kung paano mo ito tinanggap at narinig; tuparin mo ito at magsisi ka. Kaya't kung hindi ka gigising, darating akong gaya ng magnanakaw, at hindi mo malalaman kung anong oras ako darating sa iyo. Ngunit mayroon ka pang ilan sa Sardis na hindi dinungisan ang kanilang mga damit; at sila'y kasama kong lalakad na nakaputi, sapagkat sila'y karapat-dapat. Ang magtagumpay ay bibihisang gayon ng mapuputing damit; at hindi ko kailanman papawiin ang kanyang pangalan sa aklat ng buhay. At ipahahayag ko ang kanyang pangalan sa harapan ng aking Ama, at sa harapan ng kanyang mga anghel. Ang may pandinig ay makinig sa sinasabi ng Espiritu sa mga iglesya. “At sa anghel ng iglesya sa Filadelfia ay isulat mo: “Ang mga bagay na ito ang sinasabi ng banal, ng totoo, na may susi ni David, na nagbubukas at hindi maisasara ng sinuman, na nagsasara at walang makakapagbukas.
Basahin APOCALIPSIS 3
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: APOCALIPSIS 3:3-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas