Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

APOCALIPSIS 21:1-5

APOCALIPSIS 21:1-5 ABTAG01

At nakita ko ang isang bagong langit at ang isang bagong lupa; sapagkat ang unang langit at ang unang lupa ay lumipas na, at ang dagat ay wala na. At nakita ko ang banal na lunsod, ang bagong Jerusalem, na bumababa mula sa langit buhat sa Diyos, na nakahanda na gaya ng isang babaing ikakasal na nagagayakan para sa kanyang asawa. At narinig ko ang isang malakas na tinig na mula sa trono na nagsasabi, “Masdan ninyo, ang tabernakulo ng Diyos ay nasa mga tao. Siya'y maninirahang kasama nila, at sila'y magiging bayan niya. Ang Diyos mismo ay makakasama nila, at siya'y magiging Diyos nila. At papahirin niya ang bawat luha sa kanilang mga mata, at hindi na magkakaroon ng kamatayan; hindi na rin magkakaroon pa ng pagdadalamhati, o ng pagtangis man, o ng kirot man, sapagkat ang mga unang bagay ay lumipas na.” At sinabi ng nakaupo sa trono, “Masdan ninyo, ginagawa kong bago ang lahat ng mga bagay.” Sinabi rin niya, “Isulat mo, sapagkat ang mga salitang ito ay tapat at tunay.”

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya