Pagkatapos ng mga bagay na ito ay tumingin ako, at ang templo ng tolda ng patotoo sa langit ay nabuksan. At mula sa templo ay lumabas ang pitong anghel na may pitong salot, na nakadamit ng dalisay at makintab na lino, at nabibigkisan ng gintong pamigkis ang kanilang mga dibdib. At isa sa apat na nilalang na buháy ay nagbigay sa pitong anghel ng pitong mangkok na ginto na punô ng poot ng Diyos, na siyang nabubuhay magpakailanman. At napuno ng usok ang templo mula sa kaluwalhatian ng Diyos at mula sa kanyang kapangyarihan; at walang sinumang nakapasok sa templo hanggang sa matapos ang pitong salot ng pitong anghel.
Basahin APOCALIPSIS 15
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: APOCALIPSIS 15:5-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas