Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

APOCALIPSIS 10:1-4

APOCALIPSIS 10:1-4 ABTAG01

At nakita ko ang isa pang makapangyarihang anghel na nanaog mula sa langit, na nababalot ng isang ulap, at may bahaghari sa kanyang ulo, at ang kanyang mukha ay gaya ng araw, at ang kanyang mga paa ay gaya ng mga haliging apoy. May isang maliit na balumbon na bukas sa kanyang kamay at kanyang itinuntong ang kanyang kanang paa sa dagat, at ang kaliwang paa sa lupa. Siya ay sumigaw nang may malakas na tinig, na gaya ng leon na umuungal; at pagkasigaw niya, ang pitong kulog ay umugong. Nang tumunog ang pitong kulog, susulat sana ako, ngunit narinig ko ang isang tinig mula sa langit na nagsasabi, “Tatakan mo ang mga bagay na sinabi ng pitong kulog, at huwag mong isulat ang mga ito.”