Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 98

98
Isang Awit.
1O umawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
sapagkat siya'y gumawa ng mga kagila-gilalas na bagay.
Ang kanyang kanang kamay at ang kanyang banal na bisig
ay nagbigay sa kanya ng tagumpay.
2Ipinakilala ng Panginoon ang kanyang tagumpay,
ipinahayag niya sa paningin ng mga bansa ang kanyang katuwiran.
3Kanyang inalaala ang kanyang tapat na pag-ibig at ang kanyang katapatan
sa sambahayan ng Israel;
Nakita ng lahat ng mga dulo ng lupa
ang kaligtasan ng aming Diyos.
4Sumigaw ang buong lupa na may kagalakan sa Panginoon,
magpasimula at umawit kayo na may kagalakan at umawit kayo ng mga papuri!
5Magsiawit kayo ng mga papuri sa Panginoon sa pamamagitan ng lira;
ng lira at ng tunog ng himig!
6Sa pamamagitan ng mga trumpeta at tunog ng tambuli,
sumigaw kayo na may kagalakan sa harapan ng Hari, ang Panginoon!
7Humugong ang dagat at ang lahat ng naroon;
ang sanlibutan at ang naninirahan doon!
8Ipalakpak ng mga ilog ang kanilang mga kamay;
sama-samang magsiawit ang mga burol dahil sa kagalakan
9sa harapan ng Panginoon, sapagkat siya'y darating
upang hatulan ang lupa.
Kanyang hahatulan ng matuwid ang sanlibutan,
at ng katarungan ang mga bayan.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 98: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya