O parito kayo, tayo'y sumamba at yumukod; tayo'y lumuhod sa harapan ng PANGINOON, ang ating Manlilikha! Sapagkat siya'y ating Diyos, at tayo'y bayan ng kanyang pastulan, at mga tupa ng kanyang kamay. Ngayon kung inyong papakinggan ang kanyang tinig, huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba, gaya ng araw sa ilang sa Massah, nang tuksuhin ako ng mga magulang ninyo, at ako'y subukin, bagaman nakita na nila ang gawa ko. Apatnapung taong kinamuhian ko ang lahing iyon, at aking sinabi, “Bayan na nagkakamali sa kanilang puso, at hindi nila nalalaman ang aking mga daan.” Kaya't sa aking galit ako ay sumumpa, na “Sila'y hindi dapat pumasok sa aking kapahingahan.’”
Basahin MGA AWIT 95
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 95:6-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas