Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 91:4-11

MGA AWIT 91:4-11 ABTAG01

Kanyang tatakpan ka ng mga bagwis niya, at sa ilalim ng kanyang mga pakpak ay manganganlong ka; ang kanyang katapatan ay baluti at panangga. Ang mga nakakakilabot sa gabi ay di mo katatakutan, ni ang pana na nagliliparan kapag araw; ni ang salot na lihim na bumubuntot sa kadiliman, ni ang pagkawasak na sumisira sa katanghalian. Mabubuwal sa iyong tabi ang isang libo, sa iyong kanan ay sampung libo, ngunit ito'y hindi lalapit sa iyo. Mamamasdan mo lamang sa pamamagitan ng iyong mga mata, at iyong makikita ang parusa sa masama. Sapagkat ikaw, O PANGINOON, ay aking kanlungan! Ang Kataas-taasan bilang iyong tahanan; walang kasamaang darating sa iyo, walang parusang lalapit sa tolda mo. Sapagkat siya'y magbibilin sa kanyang mga anghel tungkol sa iyo, upang sa lahat ng iyong mga lakad ay ingatan ka.