Mga Awit 91:4-11
Mga Awit 91:4-11 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat. Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo; di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano. Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan, iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
Mga Awit 91:4-11 Ang Salita ng Dios (ASND)
Iingatan ka niya gaya ng isang ibong iniingatan ang kanyang mga inakay sa lilim ng kanyang pakpak. Iingatan ka at ipagtatanggol ng kanyang katapatan. Hindi ka dapat matakot sa mga bagay na nakakatakot, o sa palaso ng mga kaaway, o sa sakit at mga salot na sumasapit sa gabi man o sa araw. Kahit libu-libo pa ang mamatay sa paligid mo, walang mangyayari sa iyo. Makikita mo kung paano pinaparusahan ang mga taong masama. Dahil ginawa mong kanlungan ang PANGINOON, ang Kataas-taasang Dios na aking tagapagtanggol, walang kasamaan, kalamidad o anumang salot ang darating sa iyo o sa iyong tahanan. Dahil uutusan ng Dios ang kanyang mga anghel upang ingatan ka saan ka man magpunta.
Mga Awit 91:4-11 Ang Biblia (TLAB)
Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, at sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, ni sa pana man na humihilagpos kung araw; Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat. Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, at sangpung libo sa iyong kanan; nguni't hindi lalapit sa iyo. Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, at iyong makikita ang ganti sa masama. Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; Walang kasamaang mangyayari sa iyo, ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.
Mga Awit 91:4-11 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Lulukuban ka niya sa lilim ng kanyang malapad na pakpak, at sa kalinga niya ay palagi ka ngang nakakatiyak; iingatan niya't ipagsasanggalang, pagkat siya'y matapat. Pagsapit ng gabi, di ka matatakot sa anumang bagay, maging sa gagawing biglaang paglusob ng mga kaaway. Ni sa ano pa mang darating na salot pagkagat ng dilim, sa pagpuksa'y wala kang takot, sa araw man dumating. Kahit na mabuwal sa iyong harapan ang sanlibong tao, sa iyong paligid ang bilang ng patay maging sampung libo; di ka matatakot, at natitiyak mong di ka maaano. Ika'y magmamasid at sa panonood, mapapatunayan, iyong makikita, taong masasama'y pinaparusahan. Sapagkat si Yahweh ang iyong ginawang tagapagsanggalang, at ang pinili mong mag-iingat sa iyo'y Kataas-taasan. Di mo aabuting ika'y mapahamak; di mararanasan kahit anong uring mga paghihirap sa iyong tahanan. Sa kanyang mga anghel, ika'y itatagubilin, saan mang dako maparoon, tiyak kang iingatan.
Mga Awit 91:4-11 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Kaniyang tatakpan ka ng kaniyang mga bagwis, At sa ilalim ng kaniyang mga pakpak ay manganganlong ka: Ang kaniyang katotohanan ay kalasag at baluti. Ikaw ay hindi matatakot sa kakilabutan sa gabi, Ni sa pana man na humihilagpos kung araw; Dahil sa salot na dumarating sa kadiliman, Ni dahil sa paggiba man na sumisira sa katanghaliang tapat. Isang libo ay mabubuwal sa iyong siping, At sangpung libo sa iyong kanan; Nguni't hindi lalapit sa iyo. Iyong mamamasdan lamang ng iyong mga mata, At iyong makikita ang ganti sa masama. Sapagka't ikaw, Oh Panginoon, ay aking kanlungan! Iyong ginawa ang Kataastaasan na iyong tahanan; Walang kasamaang mangyayari sa iyo, Ni anomang salot ay lalapit sa iyong tolda. Sapagka't siya'y magbibilin sa kaniyang mga anghel tungkol sa iyo, Upang ingatan ka sa lahat ng iyong mga lakad.