sasabihin ko sa PANGINOON, “Aking muog at aking kanlungan, aking Diyos na siya kong pinagtitiwalaan.” Sapagkat ililigtas ka niya sa bitag ng maninilo, at sa nakakamatay na salot. Kanyang tatakpan ka ng mga bagwis niya, at sa ilalim ng kanyang mga pakpak ay manganganlong ka; ang kanyang katapatan ay baluti at panangga. Ang mga nakakakilabot sa gabi ay di mo katatakutan, ni ang pana na nagliliparan kapag araw; ni ang salot na lihim na bumubuntot sa kadiliman, ni ang pagkawasak na sumisira sa katanghalian.
Basahin MGA AWIT 91
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng Bersyon: MGA AWIT 91:2-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas