Siyang naninirahan sa tirahan ng Kataas-taasan, ay mananatili sa lilim ng Makapangyarihan, sasabihin ko sa PANGINOON, “Aking muog at aking kanlungan, aking Diyos na siya kong pinagtitiwalaan.” Sapagkat ililigtas ka niya sa bitag ng maninilo, at sa nakakamatay na salot. Kanyang tatakpan ka ng mga bagwis niya, at sa ilalim ng kanyang mga pakpak ay manganganlong ka; ang kanyang katapatan ay baluti at panangga. Ang mga nakakakilabot sa gabi ay di mo katatakutan, ni ang pana na nagliliparan kapag araw; ni ang salot na lihim na bumubuntot sa kadiliman, ni ang pagkawasak na sumisira sa katanghalian. Mabubuwal sa iyong tabi ang isang libo, sa iyong kanan ay sampung libo, ngunit ito'y hindi lalapit sa iyo. Mamamasdan mo lamang sa pamamagitan ng iyong mga mata, at iyong makikita ang parusa sa masama.
Basahin MGA AWIT 91
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 91:1-8
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas