O PANGINOON, Diyos ng aking kaligtasan, ako'y dumaing araw at gabi sa harap mo. Paratingin mo nawa ang aking panalangin sa harapan mo, ang iyong pandinig sa aking daing ay ikiling mo! Sapagkat ang aking kaluluwa ay punô ng mga kaguluhan, at papalapit sa Sheol ang aking buhay. Ako'y ibinilang sa kanila na bumababa sa Hukay; ako'y taong walang lakas, gaya ng pinabayaan sa gitna ng mga patay, gaya ng pinatay na nakahiga sa libingan, gaya ng mga hindi mo na inaalala, sapagkat sila'y inihiwalay sa iyong kamay. Inilagay mo ako sa pinakamalalim na Hukay, sa madidilim na dako at kalaliman. Ang iyong poot ay mabigat na sa akin ay nakapatong, at iyong sinaktan ako ng lahat mong mga alon. (Selah) Pinalayo mo sa akin ang aking mga kasamahan; ginawa mo akong isang bagay na kanilang katatakutan. Ako'y nakakulong upang ako'y hindi makatakas; dahil sa kalungkutan ay lumabo ang mata ko, O PANGINOON, araw-araw ay tumatawag ako sa iyo, aking iniabot sa iyo ang mga kamay ko.
Basahin MGA AWIT 88
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 88:1-9
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas