Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 86:1-7

MGA AWIT 86:1-7 ABTAG01

Ikiling mo ang iyong pandinig, O PANGINOON, at ako'y sagutin mo, sapagkat dukha at nangangailangan ako. Ingatan mo ang aking buhay, sapagkat ako'y banal na tao. Ikaw na aking Diyos, iligtas mo ang iyong lingkod na nagtitiwala sa iyo. O Panginoon, maawa ka sa akin, sapagkat sa buong araw sa iyo ako'y dumaraing. Pasayahin mo ang kaluluwa ng lingkod mo, sapagkat sa iyo, O Panginoon itinataas ko ang kaluluwa ko. Sapagkat ikaw, Panginoon, ay mabuti at mapagpatawad, sagana sa tapat na pag-ibig sa lahat ng sa iyo ay tumatawag. Pakinggan mo, O PANGINOON, ang aking panalangin, pakinggan mo ang tinig ng aking daing. Sa araw ng aking kaguluhan ay tumatawag ako sa iyo; sapagkat sinasagot mo ako.

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 86:1-7