Mga Awit 86:1-7
Mga Awit 86:1-7 Magandang Balita Bible (Revised) (RTPV05)
Sa aking dalangin, ako'y iyong dinggin, tugunin mo, Yahweh, ang aking pagdaing; ako'y mahina na't wala nang tumingin. Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan, lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman. Ikaw ang aking Diyos, ako'y kahabagan, sa buong maghapo'y siyang tinatawagan. Panginoon, lingkod mo'y dulutan ng galak, pagkat sa iyo kaluluwa'y tumatawag. Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili. Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin, tulungan mo na po, ako'y iyong dinggin. Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag, iyong tinutugon ang aking pagtawag.
Mga Awit 86:1-7 Ang Salita ng Dios (ASND)
PANGINOON, dinggin nʼyo at sagutin ang aking panalangin sapagkat akoʼy naghihirap at nangangailangan. Ingatan nʼyo ang buhay ko dahil akoʼy tapat sa inyo. Kayo ang aking Dios, iligtas nʼyo ang inyong lingkod na nagtitiwala sa inyo. Panginoon, maawa kayo sa akin dahil buong araw akong tumatawag sa inyo. Bigyan nʼyo ng kagalakan ang inyong lingkod, Panginoon, dahil sa iyo ako nananalangin. Tunay na napakabuti nʼyo at mapagpatawad, at puno ng pag-ibig sa lahat ng tumatawag sa inyo. Pakinggan nʼyo ang aking dalangin, PANGINOON. Ang pagsusumamo koʼy inyong dinggin. Tumatawag ako sa inyo sa oras ng kagipitan dahil sinasagot nʼyo ako.
Mga Awit 86:1-7 Ang Biblia (TLAB)
Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan. Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw. Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa. Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, at sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo. Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; at pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing. Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; sapagka't iyong sasagutin ako.
Mga Awit 86:1-7 Magandang Balita Biblia (2005) (MBB05)
Sa aking dalangin, ako'y iyong dinggin, tugunin mo, Yahweh, ang aking pagdaing; ako'y mahina na't wala nang tumingin. Pagkat tapat sa iyo, buhay ko'y ingatan, lingkod mo'y iligtas sa kapahamakan pagkat may tiwala sa iyo kailanman. Ikaw ang aking Diyos, ako'y kahabagan, sa buong maghapo'y siyang tinatawagan. Panginoon, lingkod mo'y dulutan ng galak, pagkat sa iyo kaluluwa'y tumatawag. Mapagpatawad ka at napakabuti; sa dumadalangin at sa nagsisisi, ang iyong pag-ibig ay mananatili. Pakinggan mo, Yahweh, ang aking dalangin, tulungan mo na po, ako'y iyong dinggin. Dumaraing ako kapag mayro'ng bagabag, iyong tinutugon ang aking pagtawag.
Mga Awit 86:1-7 Ang Biblia (1905/1982) (ABTAG)
Ikiling mo ang iyong pakinig, Oh Panginoon, at sagutin mo ako; Sapagka't ako'y dukha at mapagkailangan. Ingatan mo ang aking kaluluwa; sapagka't ako'y banal: Oh ikaw na Dios ko, iligtas mo ang iyong lingkod na tumitiwala sa iyo. Maawa ka sa akin, Oh Panginoon, Sapagka't sa iyo'y dumadaing ako buong araw. Bigyan mong galak ang kaluluwa ng iyong lingkod; Sapagka't sa iyo, Oh Panginoon, itinataas ko ang aking kaluluwa. Sapagka't ikaw, Panginoon, ay mabuti, at mapagpatawad, At sagana sa kagandahang-loob sa lahat na tumatawag sa iyo. Dinggin mo, Oh Panginoon, ang aking dalangin; At pakinggan mo ang tinig ng aking mga pananaing. Sa kaarawan ng aking kabagabagan ay tatawag ako sa iyo; Sapagka't iyong sasagutin ako.