Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 84:1-4

MGA AWIT 84:1-4 ABTAG01

Napakaganda ng tahanan mo, O PANGINOON ng mga hukbo! Ang kaluluwa ko'y nananabik, oo, nanghihina para sa mga bulwagan ng PANGINOON; ang puso ko't laman ay umaawit sa kagalakan sa buháy na Diyos. Maging ang maya ay nakakatagpo ng bahay, at ang layang-layang ay ng pugad para sa kanya, na mapaglalagyan niya ng kanyang inakay, O PANGINOON ng mga hukbo, sa mga dambana mo, Hari ko, at Diyos ko. Mapalad silang naninirahan sa bahay mo, na laging umaawit ng pagpupuri sa iyo! (Selah)