Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 80:8-19

MGA AWIT 80:8-19 ABTAG01

Ikaw ay nagdala ng isang puno ng ubas mula sa Ehipto; iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo ito. Inihanda mo ang lupa para doon, ito'y nag-ugat nang malalim at pinuno ang lupain. Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyon, ang malalaking sedro at ang mga sanga nito, ang kanyang mga sanga hanggang sa dagat ay umabot, at ang kanyang mga supling hanggang sa Ilog. Bakit mo ibinagsak ang mga pader niya, anupa't lahat ng dumaraan ay pumipitas ng kanyang bunga? Sinisira ito ng baboy-damo na mula sa kagubatan, at nanginginain doon ang lahat ng gumagalaw sa parang. Bumalik kang muli, O Diyos ng mga hukbo, isinasamo namin sa iyo. Tumungo ka mula sa langit, at masdan mo; pahalagahan mo ang puno ng ubas na ito, ang punong itinanim ng kanang kamay mo, at sa anak na iyong pinalaki para sa iyong sarili. Sinunog nila iyon sa apoy, iyon ay kanilang pinutol; sa saway ng iyong mukha sila'y nalipol! Ipatong nawa ang iyong kamay sa tao ng kanang kamay mo, sa anak ng tao na iyong pinalakas para sa sarili mo. Sa gayo'y hindi kami tatalikod sa iyo; bigyan mo kami ng buhay, at tatawag kami sa pangalan mo. Panunumbalikin mo kami, O PANGINOONG Diyos ng mga hukbo; paliwanagin mo ang iyong mukha, upang kami ay maligtas!