Ang Diyos nawa'y mahabag sa atin at tayo'y pagpalain, at pagliwanagin nawa niya ang kanyang mukha sa atin, (Selah) upang ang iyong daan ay malaman sa lupa, ang iyong pagliligtas sa lahat ng mga bansa. Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos; purihin ka nawa ng lahat ng mga bayan! Ang mga bansa nawa'y magalak at umawit sa kagalakan, sapagkat iyong hahatulan na may katarungan ang mga bayan, at ang mga bansa sa lupa ay papatnubayan. (Selah) Purihin ka nawa ng mga bayan, O Diyos; purihin ka nawa ng lahat ng mga bayan. Nagbigay ng kanyang bunga ang lupa; ang Diyos, ang ating Diyos, sa atin ay nagpala; Ang Diyos ang sa amin ay nagpala; matakot sa kanya ang lahat ng mga dulo ng lupa!
Basahin MGA AWIT 67
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 67:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas