Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 51:13-17

MGA AWIT 51:13-17 ABTAG01

Kung magkagayo'y ituturo ko sa mga sumusuway ang mga lakad mo; at ang mga makasalanan ay manunumbalik sa iyo. Iligtas mo ako, O Diyos, mula sa salang pagdanak ng dugo, ikaw na Diyos ng aking kaligtasan; at ang aking dila ay aawit nang malakas tungkol sa iyong katuwiran. O Panginoon, buksan mo ang mga labi ko, at ang aking bibig ay magpapahayag ng papuri sa iyo. Sapagkat sa alay ay hindi ka nalulugod; kung hindi ay bibigyan kita, hindi ka nalulugod sa handog na sinusunog. Ang mga hain sa Diyos ay bagbag na diwa, isang bagbag at nagsisising puso, O Diyos, ay hindi mo hahamakin.