Maawa ka sa akin, O Diyos, ayon sa iyong tapat na pag-ibig; ayon sa iyong saganang kaawaan ay pawiin mo ang aking mga paglabag. Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagkat aking nalalaman ang mga pagsuway ko, at ang aking kasalanan ay laging nasa harapan ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin, upang ikaw ay maging ganap sa iyong pagsasalita at walang dungis sa iyong paghatol. Narito, ako'y ipinanganak sa kasamaan; at ipinaglihi ako ng aking ina sa kasalanan. Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa panloob na pagkatao, at sa tagong bahagi ay iyong ipapakilala sa akin ang karunungan. Linisin mo ako ng isopo, at ako'y magiging malinis; hugasan mo ako at ako'y magiging higit na maputi kaysa niyebe.
Basahin MGA AWIT 51
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 51:1-7
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas