Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 51:1-12

MGA AWIT 51:1-12 ABTAG01

Maawa ka sa akin, O Diyos, ayon sa iyong tapat na pag-ibig; ayon sa iyong saganang kaawaan ay pawiin mo ang aking mga paglabag. Hugasan mo akong lubos sa aking kasamaan, at linisin mo ako sa aking kasalanan. Sapagkat aking nalalaman ang mga pagsuway ko, at ang aking kasalanan ay laging nasa harapan ko. Laban sa iyo, sa iyo lamang ako nagkasala, at nakagawa ng kasamaan sa iyong paningin, upang ikaw ay maging ganap sa iyong pagsasalita at walang dungis sa iyong paghatol. Narito, ako'y ipinanganak sa kasamaan; at ipinaglihi ako ng aking ina sa kasalanan. Narito, ikaw ay nagnanasa ng katotohanan sa panloob na pagkatao, at sa tagong bahagi ay iyong ipapakilala sa akin ang karunungan. Linisin mo ako ng isopo, at ako'y magiging malinis; hugasan mo ako at ako'y magiging higit na maputi kaysa niyebe. Gawin mong marinig ko ang kagalakan at kasayahan; hayaan mong ang mga buto na iyong binali ay magalak. Ikubli mo ang iyong mukha sa aking mga kasalanan, at pawiin mo ang lahat kong mga kasamaan. Lumalang ka sa akin ng isang malinis na puso, O Diyos; at muli mong baguhin ang matuwid na espiritu sa loob ko. Sa iyong harapan ay huwag mo akong paalisin, at ang iyong banal na Espiritu sa akin ay huwag mong bawiin. Ibalik mo sa akin ang kagalakan ng iyong pagliligtas, at alalayan ako na may espiritung nagnanais.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya