Ang Diyos ay ating kanlungan at kalakasan, isang handang saklolo sa kabagabagan. Kaya't hindi tayo matatakot bagaman mabago ang lupa, bagaman ang mga bundok ay madulas sa puso ng dagat. bagaman ang tubig nito ay bumula at humugong, bagaman ang mga bundok ay mauga dahil sa unos niyon. (Selah) May isang ilog na ang mga agos ay nagpapasaya sa lunsod ng Diyos, ang banal na tahanan ng Kataas-taasan. Ang Diyos ay nasa gitna niya; siya'y hindi makikilos; tutulungan siyang maaga ng Diyos. Ang mga bansa ay nagkagulo, ang mga kaharian ay nagpasuray-suray, binigkas niya ang kanyang tinig, ang lupa ay natunaw. Ang PANGINOON ng mga hukbo ay kasama natin, ang Diyos ni Jacob ay kanlungan natin. (Selah) Pumarito kayo, inyong masdan ang sa PANGINOONG gawa, kung paanong gumawa siya ng pagwasak sa lupa. Kanyang pinahinto ang mga digmaan hanggang sa mga dulo ng lupa; kanyang pinuputol ang sibat at binabali ang pana, kanyang sinusunog ng apoy ang mga karwahe! “Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na ako ang Diyos. Ako'y mamumuno sa mga bansa, ako'y mamumuno sa lupa.” Ang PANGINOON ng mga hukbo ay kasama natin; ang Diyos ni Jacob ay kanlungan natin. (Selah)
Basahin MGA AWIT 46
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 46:1-11
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas