O Diyos, pawalang-sala mo ako, at ang aking usapin ay ipagtanggol mo laban sa isang bayang masama; iligtas mo ako sa mga taong hindi makatarungan at mandaraya. Sapagkat ikaw ang Diyos na aking kalakasan, bakit mo ako itinakuwil? Bakit ako lalakad na tumatangis dahil sa kaaway kong malupit? O suguin mo ang iyong liwanag at iyong katotohanan; patnubayan nawa ako ng mga iyon, dalhin nawa nila ako sa iyong banal na bundok, at sa iyong tirahan! Kung magkagayo'y pupunta ako sa dambana ng Diyos, sa Diyos na aking malabis na kagalakan; at pupurihin kita ng alpa, O Diyos, aking Diyos. Bakit ka nanlulumo, O kaluluwa ko? At bakit ka nababagabag sa loob ko? Umasa ka sa Diyos; sapagkat ikaw ay muling pupurihin ko, ang tulong sa aking harapan, at Diyos ko.
Basahin MGA AWIT 43
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 43:1-5
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas