Ang iyong tapat na pag-ibig, O PANGINOON, ay abot hanggang sa kalangitan, hanggang sa mga ulap ang iyong katapatan. Gaya ng mga bundok ng Diyos ang iyong katuwiran, ang iyong mga kahatulan ay gaya ng dakilang kalaliman; O PANGINOON, inililigtas mo ang tao at hayop man. Napakahalaga, O Diyos, ng iyong pag-ibig na tapat! Ang mga anak ng mga tao ay nanganganlong sa lilim ng iyong mga pakpak. Sila'y nagpapakabusog sa kasaganaan ng iyong bahay; at binibigyan mo sila ng inumin mula sa ilog ng iyong kasiyahan. Sapagkat nasa iyo ang bukal ng buhay; sa iyong ilaw nakakakita kami ng liwanag. O ipagpatuloy mo ang iyong tapat na pag-ibig sa mga nakakakilala sa iyo, at ang iyong pagliligtas sa may matuwid na puso!
Basahin MGA AWIT 36
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 36:5-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas