Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 34:8-14

MGA AWIT 34:8-14 ABTAG01

O inyong subukan at tingnan na mabuti ang PANGINOON! Maligaya ang tao na sa kanya'y nanganganlong. O matakot kayo sa PANGINOON, kayong kanyang mga banal, sapagkat ang mga natatakot sa kanya ay hindi magkukulang! Ang mga batang leon ay nagkukulang at nagugutom; ngunit silang humahanap sa PANGINOON sa mabuting bagay ay hindi nagsasalat. Halikayo, mga anak, pakinggan ninyo ako, ang takot sa PANGINOON ay ituturo ko sa inyo. Sinong tao ang nagnanasa ng buhay, at naghahangad ng maraming araw, upang magtamasa ng mabuti? Ingatan mo ang iyong dila mula sa masama, at ang iyong mga labi sa pagsasalita ng pandaraya. Lumayo ka sa kasamaan, at ang mabuti'y iyong gawin; hanapin mo ang kapayapaan at ito'y iyong habulin.