Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 3

3
Awit#2 Sam. 15:13–17:22 ni David nang Takasan Niya si Absalom
1 Panginoon, ang mga kaaway ko ay dumarami!
Ang tumitindig laban sa akin ay marami;
2marami ang nagsasabi tungkol sa aking kaluluwa,
walang tulong mula sa Diyos para sa kanya. (Selah)
3Ngunit ikaw, O Panginoon ay isang kalasag sa palibot ko,
aking kaluwalhatian, at siyang tagapagtaas ng aking ulo.
4Ako'y dumadaing nang malakas sa Panginoon,
at sinasagot niya ako mula sa kanyang banal na burol. (Selah)
5Ako'y nahiga at natulog;
ako'y muling gumising sapagkat inaalalayan ako ng Panginoon.
6Sa sampung libu-libong tao ako'y hindi natatakot,
na naghanda ng kanilang mga sarili laban sa akin sa palibot.
7Bumangon ka, O Panginoon!
Iligtas mo ako, O aking Diyos!
Sapagkat iyong sinampal sa pisngi ang lahat ng aking mga kaaway,
iyong binasag ang mga ngipin ng masama.
8Ang pagliligtas ay sa Panginoon;
sumaiyong bayan nawa ang iyong pagpapala. (Selah)

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 3: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya