Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 27:7-14

MGA AWIT 27:7-14 ABTAG01

Dinggin mo kapag ako'y sumisigaw ng aking tinig, O PANGINOON, kaawaan mo ako at sa akin ay tumugon. Sinabi mo, “Hanapin ninyo ang aking mukha;” sabi ng aking puso sa iyo, “Ang iyong mukha, PANGINOON, ay aking hinahanap.” Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin. Sa galit, ang iyong lingkod ay huwag mong paalisin, ikaw na naging saklolo sa akin. Huwag mo akong itakuwil, huwag mo akong pabayaan, O Diyos ng aking kaligtasan! Sapagkat pinabayaan na ako ng aking ama at ina, gayunma'y ibabangon ako ng PANGINOON. Ituro mo sa akin, O PANGINOON, ang iyong daan, akayin mo ako sa patag na landas dahil sa aking mga kaaway. Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway; sapagkat mga sinungaling na saksi laban sa akin ay nagbangon, at sila'y nagbubuga ng karahasan. Ako'y naniniwala na aking masasaksihan ang kabutihan ng PANGINOON sa lupain ng mga nabubuhay! Maghintay ka sa PANGINOON; magpakalakas ka at magpakatapang ang iyong puso; oo, maghintay ka sa PANGINOON!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 27:7-14