Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 22:12-21

MGA AWIT 22:12-21 ABTAG01

Pinaliligiran ako ng maraming toro, ng malalakas na toro ng Basan ay pinalilibutan ako. Sa akin ang kanilang bibig ay binuksan nila nang maluwang, gaya ng sumasakmal at leong umuungal. Ako'y ibinubuhos na parang tubig, at lahat ng aking mga buto ay nakakalas sa pagkakabit; ang aking puso ay parang pagkit, ito ay natutunaw sa loob ng aking dibdib. Ang aking kalakasan ay natuyo na parang basag na banga, at ang aking dila ay dumidikit sa aking ngalangala; sa alabok ng kamatayan ako'y iyong inihihiga. Oo, ang mga aso ay nakapaligid sa akin; pinaligiran ako ng isang pangkat ng mga gumagawa ng masama; binutasan nila ang aking mga kamay at mga paa. Lahat ng aking mga buto ay aking mabibilang, sa akin sila'y nakatingin at ako'y tinititigan. Kanilang pinaghatian ang aking mga kasuotan, at para sa aking damit sila ay nagsapalaran. Ngunit ikaw, O PANGINOON, huwag kang lumayo! O ikaw na aking saklolo, magmadali kang tulungan ako! Mula sa tabak, kaluluwa ko'y iligtas mo, ang aking buhay mula sa kapangyarihan ng aso! Mula sa bibig ng leon ako'y iyong iligtas, sagutin mo ako mula sa mga sungay ng torong mailap!

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 22:12-21