Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 22:1-8

MGA AWIT 22:1-8 ABTAG01

Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan? Bakit napakalayo mo sa pagtulong sa akin, sa mga salita ng aking karaingan? O Diyos ko, sumisigaw ako kapag araw, ngunit hindi ka sumasagot man lamang, at kapag gabi, hindi ako makatagpo ng kapahingahan. Gayunman ikaw ay banal, nakaluklok sa mga papuri ng Israel. Sa iyo ang aming mga magulang ay nagtiwala, sila'y nagtiwala, at iyong iniligtas sila. Sa iyo sila'y dumaing at naligtas; sila'y nagtiwala sa iyo, at hindi nabigo. Ngunit ako'y uod at hindi tao, kinukutya ng mga tao, at hinahamak ng bayan. Silang lahat na nakakita sa akin ay tinatawanan ako; nginungusuan nila ako, iiling-iling ang kanilang mga ulo, “Ipinagkatiwala niya ang kanyang usapin sa PANGINOON; hayaang kanyang iligtas siya, hayaang kanyang sagipin siya, sapagkat kanyang kinaluluguran siya!”

Mga Libreng Babasahing Gabay at Debosyonal na may kaugnayan sa MGA AWIT 22:1-8