Nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos ang kalangitan, at ang mga gawa ng kanyang kamay ay inihahayag ng kalawakan. Sa araw-araw ay nagsasalita, at gabi-gabi ay nagpapahayag ng kaalaman. Walang pananalita o mga salita man; ang kanilang tinig ay hindi narinig. Ngunit lumalaganap sa buong lupa ang kanilang tinig, at ang kanilang mga salita ay hanggang sa dulo ng daigdig. Sa kanila ay naglagay siya ng tolda para sa araw, na dumarating na gaya ng kasintahang lalaki na papalabas sa kanyang silid, at nagagalak gaya ng malakas na tao na tumatakbo sa takbuhan. Ang kanyang pagsikat ay mula sa dulo ng mga langit, at sa mga dulo niyon ay ang kanyang pagligid, at walang bagay na nakukubli sa kanyang init. Ang kautusan ng PANGINOON ay sakdal, na nagpapanauli ng kaluluwa; ang patotoo ng PANGINOON ay tiyak, na nagpapatalino sa kulang sa kaalaman. Ang mga tuntunin ng PANGINOON ay matuwid, na nagpapagalak sa puso; ang utos ng PANGINOON ay dalisay, na nagpapaliwanag ng mga mata. Ang pagkatakot sa PANGINOON ay malinis, na nananatili magpakailanman: ang mga kahatulan ng PANGINOON ay totoo at lubos na makatuwiran. Higit na dapat silang naisin kaysa ginto, lalong higit kaysa maraming dalisay na ginto; higit ding matamis kaysa pulot at sa pulot-pukyutang tumutulo.
Basahin MGA AWIT 19
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 19:1-10
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas