Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 139:13-18

MGA AWIT 139:13-18 ABTAG01

Sapagkat hinubog mo ang aking mga nasa loob na bahagi, at sa bahay-bata ng aking ina ako'y iyong hinabi. Ako'y magpapasalamat sa iyo sapagkat ang pagkagawa sa akin ay kakilakilabot at kamanghamangha. Ang iyong mga gawa ay kahangahanga; at iyon ay nalalamang mabuti ng aking kaluluwa. Ang katawan ko'y hindi nakubli sa iyo, nang ako'y lihim na ginagawa, mahusay na binuo sa kalaliman ng lupa. Nakita ng iyong mga mata ang aking wala pang anyong sangkap; at sa iyong aklat bawat isa sa mga iyon ay nakasulat, ang mga araw na sa akin ay itinakda, nang wala pang anuman sa kanila. Napakahalaga sa akin ng iyong mga pag-iisip, O Diyos! Napakalawak ng kabuuan ng mga iyon! Kung aking bibilangin, ang mga iyon ay marami pa kaysa buhangin. Kapag ako'y nagigising, ako'y kasama mo pa rin.

Gumagamit ang YouVersion ng cookies para gawing personal ang iyong karanasan. Sa paggamit sa aming website, tinatanggap mo ang aming paggamit ng cookies gaya ng inilarawan sa aming Patakaran sa Pribasya