Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 126

126
Awit ng Pag-akyat.
1Nang ibalik ng Panginoon ang mga kayamanan ng Zion,#126:1 o ibinalik ang mga nagsiuwi sa Zion.
tayo ay gaya ng mga nananaginip.
2Nang magkagayo'y napuno ang ating bibig ng mga tawanan,
at ang ating dila ng mga awit ng kagalakan,
nang magkagayo'y sinabi nila sa gitna ng mga bansa,
“Ang Panginoon ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa kanila.”
3Ang Panginoon ay gumawa ng mga dakilang bagay para sa atin,
kami ay natutuwa.
4Ang aming mga bihag,#126:4 o kayamanan. O Panginoon, ay iyong ibalik,
na gaya ng mga batis sa Negeb!#126:4 o Timog.
5Yaon nawang nagsisipaghasik na luhaan,
ay mag-ani na may sigaw ng kagalakan!
6Siyang lumalabas na umiiyak,
na may dalang itatanim na mga binhi,
ay uuwi na may sigaw ng kagalakan,
na dala ang kanyang mga bigkis ng inani.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 126: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in