Logo ng YouVersion
Hanapin ang Icon

MGA AWIT 114

114
1Nang#Exo. 12:51 lumabas ang Israel at sa Ehipto ay nagmula,
ang sambahayan ni Jacob mula sa bayang may kakaibang wika,
2ang Juda ay naging kanyang santuwaryo,
ang Israel ay kanyang sakop.
3Ang#Exo. 14:21; San. 3:16 dagat ay tumingin at tumakas,
ang Jordan ay umatras.
4Ang mga bundok ay nagsiluksong mga tupang lalaki ang kagaya,
ang mga burol na parang mga batang tupa.
5Anong karamdaman mo, O dagat, upang tumakas ka?
O Jordan, upang umurong ka?
6O mga bundok, na kayo'y nagsisiluksong mga tupang lalaki ang kagaya?
O mga burol, na parang mga batang tupa?
7Mayanig ka, O lupa, sa harapan ng Panginoon,
sa harapan ng Diyos ni Jacob;
8na#Exo. 17:1-7; Bil. 20:2-13 ginawang tipunan ng tubig ang malaking bato,
na bukal ng tubig ang hasaang bato.

Kasalukuyang Napili:

MGA AWIT 114: ABTAG01

Haylayt

Ibahagi

Kopyahin

None

Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in