MGA AWIT 108
108
Awit ni David.
1Ang aking puso ay tapat, O Diyos;
ako'y aawit, oo, ako'y aawit
ng mga pagpuri ng aking kaluwalhatian!
2Kayo'y gumising, alpa at lira!
Aking gigisingin ang madaling-araw!
3Ako'y magpapasalamat sa iyo, O Panginoon, sa gitna ng mga bayan;
ako'y aawit ng mga papuri sa iyo sa gitna ng mga bansa.
4Sapagkat ang iyong tapat na pag-ibig ay dakila sa itaas ng mga langit,
ang iyong katotohanan ay umaabot sa mga ulap.
5Dakilain ka, O Diyos, sa itaas ng mga langit!
Ang iyo nawang kaluwalhatian ay maging sa ibabaw ng buong lupa!
6Upang mailigtas ang minamahal mo,
tulungan mo ng iyong kanang kamay, at sagutin mo ako!
7Ang Diyos ay nagsalita sa kanyang santuwaryo:
“Ang Shekem ay hahatiin ko,
at ang Libis ng Sucot ay susukatin ko.
8Ang Gilead ay akin; ang Manases ay akin;
ang Efraim ay helmet ng ulo ko;
ang Juda'y aking setro.
9Ang Moab ay aking hugasan;
sa Edom ay ihahagis ko ang aking sandalyas;
sa ibabaw ng Filistia ay sisigaw ako ng malakas.”
10Sinong magdadala sa akin sa lunsod na may kuta?
Sinong maghahatid sa akin sa Edom?
11Hindi ba't itinakuwil mo na kami, O Diyos?
At hindi ka ba hahayong kasama ng aming mga hukbo, O Diyos?
12Ng tulong laban sa kaaway kami ay pagkalooban mo,
sapagkat walang kabuluhan ang tulong ng tao.
13Kasama ng Diyos ay gagawa kaming may katapangan;
siya ang yayapak sa aming mga kalaban.
Kasalukuyang Napili:
MGA AWIT 108: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001