Mapalad ang taong hindi lumalakad sa payo ng masama, ni tumatayo man sa daan ng mga makasalanan, ni umuupo man sa upuan ng mga manunuya; kundi nasa kautusan ng PANGINOON ang kanyang kagalakan, at nagbubulay-bulay araw at gabi sa kanyang kautusan. Siya ay gaya ng isang punungkahoy na itinanim sa tabi ng agos ng tubig, na nagbubunga sa kanyang kapanahunan, ang kanyang dahon nama'y hindi nalalanta, sa lahat ng kanyang ginagawa ay nagtatagumpay siya.
Basahin MGA AWIT 1
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA AWIT 1:1-3
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas