MGA KAWIKAAN 9
9
Ang Karunungan at ang Karangalan
1Itinayo ng karunungan ang kanyang bahay,
ang kanyang pitong haligi ay kanyang inilagay.#9:1 Sa Hebreo ay pinutol.
2Mga hayop niya ay kanyang kinatay, ang kanyang alak ay kanyang hinaluan,
kanya ring inihanda ang kanyang hapag-kainan.
3Sinugo niya ang kanyang mga alilang babae upang manawagan,
mula sa pinakamatataas na dako sa bayan,
4“Sinumang walang muwang, pumasok dito!”
Sa kanya na mahina sa pag-unawa, ay sinasabi niya,
5“Halikayo, kumain kayo ng aking tinapay,
at uminom kayo ng alak na aking hinaluan.
6Iwan ninyo ang kawalang muwang at kayo'y mabuhay,
at kayo'y lumakad na may pang-unawa.”
7Siyang sumasaway sa manlilibak ay nakakakuha ng kahihiyan,
at siyang sumasaway sa masama ay siya ring nasasaktan.
8Huwag mong sawayin ang manlilibak, baka kamuhian ka niya;
sawayin mo ang marunong, at kanyang iibigin ka.
9Turuan mo ang marunong, at dudunong pa siyang lalo,
turuan mo ang matuwid, at sa kaalaman siya'y lalago.
10Ang#Job 28:28; Awit 111:10; Kaw. 1:7 takot sa Panginoon ang pasimula ng karunungan,
at ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.
11Sapagkat sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga araw,
at ang mga taon ng iyong buhay ay madaragdagan.
12Kung ikaw ay pantas, pantas ka para sa sarili mo,
at kung ikaw ay manlibak, mag-isa kang magpapasan nito.
Ang Anyaya ng Hangal na Babae
13Ang hangal na babae ay madaldal;
siya'y magaslaw at walang nalalaman.
14Siya'y nauupo sa pintuan ng kanyang bahay,
sa isang upuan sa matataas na dako ng bayan,
15upang tawagin ang mga nagdaraan,
na matuwid na humahayo sa kanilang mga lakad.
16“Sinumang walang muwang ay pumasok dito!”
At sa kanya na kulang sa pag-unawa, ay kanyang sinasabi,
17“Ang ninakaw na tubig ay matamis,
ang tinapay na kinakain sa lihim ay kanais-nais.”
18Ngunit hindi niya nalalaman na ang mga patay ay naroon,
na ang mga panauhin niya ay nasa mga kalaliman ng Sheol.
Kasalukuyang Napili:
MGA KAWIKAAN 9: ABTAG01
Haylayt
Ibahagi
Kopyahin
Gusto mo bang ma-save ang iyong mga hinaylayt sa lahat ng iyong device? Mag-sign up o mag-sign in
©Philippine Bible Society, 2001