Itinayo ng karunungan ang kanyang bahay, ang kanyang pitong haligi ay kanyang inilagay. Mga hayop niya ay kanyang kinatay, ang kanyang alak ay kanyang hinaluan, kanya ring inihanda ang kanyang hapag-kainan. Sinugo niya ang kanyang mga alilang babae upang manawagan, mula sa pinakamatataas na dako sa bayan, “Sinumang walang muwang, pumasok dito!” Sa kanya na mahina sa pag-unawa, ay sinasabi niya, “Halikayo, kumain kayo ng aking tinapay, at uminom kayo ng alak na aking hinaluan. Iwan ninyo ang kawalang muwang at kayo'y mabuhay, at kayo'y lumakad na may pang-unawa.”
Basahin MGA KAWIKAAN 9
Ibahagi
Ikumpara Lahat ng mga Bersyon: MGA KAWIKAAN 9:1-6
Mag-save ng mga taludtod, magbasa offline, manood ng mga clip sa pagtuturo, at higit pa!
Home
Biblia
Mga Gabay
Mga Palabas